Preserbasyon o Pagpapanatili ng Quran (bahagi 2 ng 2): Ang Nasusulat na Quran

Ang buong Quran gayunpaman ay naitala din na nasusulat sa panahon ng kapahayagan mula sa pagdedekta ng Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, sa pamamagitan ng ilan sa kanyang mga edukadong mga kasamahan, na ang pinakatanyag sa kanila ay si Zaid ibn Thabit.[1] Ang iba pa sa kanyang mararangal na mga eskriba ay sina Ubayy ibn Ka’b, Ibn Mas’ud, Mu’awiyah ibn Abi-Sufyan, Khalid ibn Al-Waleed at Az-Zubayr ibn Al-Awwam.[3]

Ang kodipikasyon ng Quran (ibig sabihin sa isang 'anyong aklat') ay nagawa kaagad pagkatapos ng Labanan ng Yamamah (11AH / 633CE), matapos ang pagkamatay ng Propeta, sa panahon ng pagiging-kalipa ni Abu Bakr. Maraming mga kasamahan ang naging mga martir sa labanang yaon, at ikinabahala na maliban kung may isang nakasulat na kopya ng buong kapahayagan na nagawa, ang malaking bahagi ng Quran ay maaaring mawala sa pagkamatay ng mga nakakasaulo nito. Samakatuwid, sa mungkahi ni Omar na tipunin ang Quran sa anyong nasusulat, hiniling kay Zaid ibn Thabit ni Abu Bakr na pamunuan ang isang kapulungan na mangangalap para tipunin ang mga nakakalat na mga talaan ng Quran at maghanda ng isang mushaf - kalas na mga pahina na naglalaman ng buong kapahayagan sa mga ito.[5] Sa sandaling nabuo at napagkaisahang pahintulutan ng mga Kasamahan ng Propeta, ang mga pahinang ito ay iningatan at pinanatili ng Kalipang si Abu Bakr (d. 13AH / 634CE), pagkatapos ay ipinasa sa Kalipang si Omar (13-23AH / 634-644CE), at pagkatapos ay sa anak na babae ni Omar at ang Balo ng Propeta na si Hafsah.[6]

Ang pangatlong Kalipang si Othman (23AH-35AH / 644-656CE) ay hiniling kay Hafsah na ipadala sa kanya ang manuskrito ng Quran na nasa kanyang pag-iingat, at iniutos ang paggawa ng maraming mga nakabigkis na mga kopya nito (masahif, isahan ng Mushaf). Ang gawaing ito ay ipinagkatiwala sa mga Kasamahang sina Zaid ibn Thabit, Abdullah ibn Az-Zubair, Sa'eed ibn Al-'As, at Abdur-Rahman ibn Al-Harith ibn Hisham.[7] Nang matapos (noong 25AH/646CE), ay ibinalik ni Othman ang orihinal na manuskrito kay Hafsah at ipinadala ang mga kopya sa malalaking Islamikong mga lalawigan.

Ang ilang mga di-Muslim na pantas na nag-aral sa usapin ng pagbubuo at pag-iingat ng Quran ay nagpahayag din sa awtentisidad nito. Si John Burton, sa pagtatapos ng kanyang malaking gawain sa pagbubuo ng Quran, ay nagpahayag na ang Quran na mayroon tayo sa kasalukuyan ay:

“…ang teksto na kung saan ay nakarating sa atin sa anyo nito kung saan ito ay inayos at pinahintulutan ng Propeta…. Ang anumang mayroon tayo sa kasalukuyan sa ating mga kamay ay ang mushaf ni Muhammad (pbuh).[8]

Si Kenneth Cragg ay inilarawan ang pagpapahatid ng Quran mula sa panahon ng kapahayagan hanggang sa kasalukuyan na nagaganap sa “an unbroken living sequence of devotion.”[9] Si Schwally ay sumang-ayon na:

“Kung tungkol sa iba't ibang mga piraso ng kapahayagan ang pag-uusapan, maaari tayong magtiwala na ang teksto nito ay pangkalahatang naipasa nang ganap tulad ng natagpuan sa pamana ng Propeta.”[10]

Ang makasaysayang kredibilidad ng Quran ay karagdagang itinatag sa pamamagitan ng katotohanang ang isa sa mga kopya na ipinadala ng Kalipang si Othman ay umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ito ay nakalagak sa Museo ng Lungsod ng Tashkent sa Uzbekistan, sa Gitnang Asya.ito ang tiyak na salin, na kilala bilang Mushaf ni Othman.’[12]

Preserbasyon o Pagpapanatili ng Quran (bahagi 2 ng 2): Ang Nasusulat na Quran

 Ang manuskritong ito, na hawak ng Lupong Muslim ng Uzbekistan, ang pinakaunang umiiral na nakasulat na salin ng Quran. Ito ang tiyak na salin, na kilala bilang Mushaf ni Othman. Ang larawan ay sa kagandahang-loob ng Memory of the World Register, ng UNESCO.

 

Ang kawangis ng mushaf sa Tashkent ay makukuha sa Aklatan ng Pamantasan ng Columbia sa Estados Unidos.[13] Ang kopya na ito ay patunay na ang teksto ng Quran na mayroon tayo sa sirkulasyon sa kasalukuyan ay magkawangis ng yaong sa panahon ng Propeta at kanyang mga kasamahan. Ang isang kopya ng mushaf na ipinadala sa Syria (naduplikado bago ang isang sunog noong 1310AH/1892CE na tumupok sa Moske ng Jaami kung saan ito nakalagak) ay umiiral din sa Museo ng Topkapi sa Istanbul[15]

Ang Instituto para sa Koranforschung, halimbawa, sa Pamantasan ng Munich (sa Alemanya), ay nakapagtipon ng mahigit sa 42,000 buo at hindi buo na sinaunang mga kopya ng Quran. Matapos ang halos limampung taon ng pananaliksik, iniulat nila na walang pagkakaiba-iba sa pagitan ng iba't ibang mga kopya, maliban sa mga maminsang pagkakamali sa pagkopya na naging madaling matukoy. Ang Institutong ito sa kasamaang palad ay nawasak ng mga bomba sa panahon ng WWII.[16]

Kung kaya, dahil sa mga pagsisikap ng mga sinaunang kasamahan, sa tulong ng Diyos, ang Quran na mayroon tayo sa kasalukuyan ay binabasa sa parehong paraan tulad ng pagkakapahayag nito. Dahilan upang ito ang naging tanging relihiyosong kasulatan na buo pa ring napapanatili at naiintindihan sa orihinal nitong wika. Sa katunayan, tulad ng ipinahayag ni Sir William Muir, Marahil ay wala nang ibang aklat sa mundo na nanatili nang labindalawang siglo (ngayon ay labing-apat) na may labis na dalisay na teksto.”[17]

Ang katibayan sa itaas ay nagpapatunay sa pangako ng Diyos sa Quran:

“Katotohanan, Aming ipinahayag ang Babala, at katotohanan Aming iingatan ito.” (Quran 15:9)

Ang Quran ay napanatili sa parehong pagkabigkas at pagkasulat na anyo sa paraang wala sa ibang aklat, at sa bawat anyo na nagdudulot ng pagsusuri para sa awtentisidad ng bawat isa.

MGA TALABABA:

  1. Jalal al-Din Suyuti, Al-Itqan fee ‘Uloom al-Quran, Beirut: Maktab al-Thiqaafiyya, 1973, Bol.1, p.41 & 99.
  2. Ibn Hajar al-’Asqalani, Al-Isabah fee Taymeez as-Sahabah, Beirut: Dar al-Fikr, 1978; Bayard Dodge, The Fihrist of al-Nadeem: A Tenth Century Survey of Muslim Culture, NY: Columbia University Press, 1970, p.53-63. Muhammad M. Azami, sa Kuttab al-Nabi, Beirut: Al-Maktab al-Islami, 1974, sa katunayan ay nagbanggit ng 48 na mga taong dating nagsusulat para sa Propeta (p).
  3. Al-Harith al-Muhasabi, Kitab Fahm al-Sunan, binanggit sa Suyuti, Al-Itqan fi ‘Uloom al-Quran, Bol.1, p.58.
  4. Saheeh Al-Bukhari Bol.6, Hadith Blng.201 & 509; Bol.9, Hadith Blng.301.
  5. Ibn Hajar al-’Asqalani, Fath al-Bari, Bol.9, p.10-11.
  6. Saheeh Al-Bukhari , Bol.6, Hadith Blng.201.
  7. Saheeh Al-Bukhari Bol.4, Hadith Blng.709; Bol.6, Hadith Blng.507
  8. John Burton, The Collection of the Quran, Cambridge: Cambridge University Press, 1977, p.239-40.
  9. Kenneth Cragg, The Mind of the Quran, London: George Allen & Unwin, 1973, p.26.
  10. Schwally, Geschichte des Qorans, Leipzig: Dieterich’sche Verlagsbuchhandlung,1909-38, Bol.2, p.120.
  11. Yusuf Ibrahim al-Nur, Ma’ al-Masaahif, Dubai: Dar al-Manar, unang ed., 1993, p.117; Isma’il Makhdum, Tarikh al-Mushaf al-Uthmani fi Tashqand, Tashkent: Al-Idara al-Diniya, 1971, p.22ff.
  12. (http://www.unesco.org.)I. Mendelsohn, “The Columbia University Copy Of The Samarqand Kufic Quran”, The Moslem World, 1940, p. 357-358.A. Jeffery & I. Mendelsohn, “The Orthography Of The Samarqand Quran Codex”, Journal Of The American Oriental Society, 1942, Bolyum 62, pp. 175-195.
  13. The Muslim World, 1940, Vol.30, p.357-358
  14. Yusuf Ibrahim al-Nur, Ma’ al-Masaahif, Dubai: Dar al-Manar, unang ed., 1993, p.113
  15. Bilal Philips, Usool at-Tafseer, Sharjah: Dar al-Fatah, 1997, p.157
  16. Mohammed Hamidullah, Muhammad Rasullullah, Lahore: Idara-e-Islamiat, n.d., p.179.
  17. Sir William Muir, Life of Mohamet, London, 1894, Bol.1, Pambungad.


Piliin ang iyong Lenguahe