Sino ang mga Muslim? (bahagi 2 ng 2)

Heograpiya

Ang mga pantas na Muslim ay binigyan ng malaking pansin ang heograpiya. Sa katunayan, ang labis na kinalaman ng mga Muslim sa heograpiya ay nagmula sa kanilang relihiyon. Ang Quran ay hinikayat ang mga tao na maglakbay sa buong mundo upang makita ang mga palatandaan at huwaran ng Diyos sa lahat ng dako. Ang Islam ay iniutos din sa bawat Muslim ang magkaroon ng kahit papaanong sapat na kaalaman sa heograpiya upang malaman ang dako ng Qiblah (ang kinalalagyan ng Ka'bah sa Makkah) upang makapagdasal ng limang beses sa isang araw. Ang mga Muslim ay karaniwan ding sanay sa mahahabang paglalakbay upang magsagawa ng kalakalan gayundin upang magsagawa ang Hajj at maipalaganap ang kanilang relihiyon. Ang kalat-kalat na Islamikong imperyo ay nakatulong sa mga mananaliksik na pantas upang makatipon ng malalaking bilang ng heograpiko at klimatikong impormasyon mula sa Atlantiko hanggang sa Pasipiko.

Kabilang sa mga pinakatanyag na pangalan sa larangan ng heograpiya, maging sa Kanluran, ay sina Ibn Khaldun at Ibn Batuta, bantog sa kanilang mga nakasulat na ulat ng kanilang malawakang paglalakbay.

Noong 1166, si Al-Idrisi, ang kilalang pantas na Muslim na naglingkod sa korte ng Sisiliano, ay gumawa ng napakatumpak na mga mapa, kasama ang isang pandaigdigang mapa kasama ang lahat ng mga kontinente at ang kanilang mga bundok, ilog at tanyag na mga lungsod. Si Al-Muqdishi ay ang unang heograpikong gumawa ng tumpak na mga mapa na may kulay.

Ito ay, karagdagan pa, sa tulong ng mga manlalayag na Muslim at nang kanilang mga imbensyon na si Magellan ay nagawang maglakbay sa Cape of Good Hope, at sina Da Gama at Columbus ay mayroong mga Muslim na manlalayag sa kanilang mga barko.

Sangkatauhan

Ang paghahanap ng kaalaman ay obligado sa Islam para sa bawat Muslim, lalaki at babae. Ang pangunahing mga pinagmumulan ng Islam, ang Quran at ang Sunnah (tradisyon ng Propeta Muhammad [pbuh]), ay hinihikayat ang mga Muslim na maghanap ng kaalaman at maging mga pantas, dahil ito ang pinakamahusay na paraan para makilala ng mga tao si Allah (Diyos), na pahalagahan ang Kanyang kamangha-manghang mga nilikha at maging mapagpasalamat para dito. Ang mga Muslim samakatuwid ay masigasig na naghahanap ng kaalaman, sa parehong relihiyoso at sekular, at sa loob ng ilang taon ng misyon ni Muhammad (pbuh), ang isang dakilang sibilisasyon ay umusbong at umunlad. Ang bunga ay ipinapakita sa pagdami ng mga Islamikong pamantasan; Ang Al-Zaytunah sa Tunis, at Al-Azhar sa Cairo ay naipatayo higit sa 1,000 taon ang nakalipas, at ang pinakalumang umiiral na mga pamantasan sa mundo. Sa katunayan, sila ang mga modelo para sa mga unang pamantasan sa Europa, tulad ng Bologna, Heidelberg, at ang Sorbonne. Maging ang pamilyar na akademikong gora at toga ay nagmula sa Pamantasan ng Al-Azhar.

Ang mga Muslim ay nakagawa ng malaking mga pagsulong sa maraming iba't ibang mga larangan, tulad ng heograpiya, pisika, kimika, matematika, medisina, parmakolohiya, arkitektura, linggwistika at astronomiya. Ang Alhebra at ang mga Arabeng pamilang ay ipinakilala sa mundo ng mga pantas na Muslim. Ang astrolabe, kuwadrante, at iba pang mga kagamitang panlayag at mga mapa ay binuo ng mga pantas na Muslim at gumanap ng isang mahalagang papel sa pag-unlad ng mundo, lalo na sa panahon ng pananaliksik ng Europa.

Ang mga pantas na Muslim ay pinag-aralan ang mga sinaunang sibilisasyon mula sa Gresya at Roma hanggang Tsina at Indiya. Ang mga gawa nina Aristotle, Ptolemy, Euclid at iba pa ay isinalin sa Arabe. Pagkatapos ang mga pantas at siyentipikong Muslim ay nagdagdag ng kanilang sariling mga malikhaing ideya, mga pagtuklas at imbensyon, at sa huli ay ipinadala ang bagong kaalamang ito sa Europa, na tuwirang humantong sa Renasimiyento (Renaisance). Maraming mga siyentipiko at medikong mga tratado (treatises), na isinalin sa Latin, kung saan ang pamantayang mga teksto at sangguniang mga aklat ay mas sinauna pa sa ika-17 at ika-18 siglo.

Matematika

Kawili-wiling tandaan na ang Islam ay mahigpit na hinihimok ang sangkatauhan na mag-aral at saliksikin ang sansinukob. Halimbawa, ang Banal na Quran ay nagsabi:

"Kami (Allah) ay ipapamalas sa inyo (sangkatauhan) ang Aming mga palatandaan/pamantayan sa abot tanaw/sansinukob at sa inyong mga sarili hanggang kayo ay mapaniwalang ang kapahayagan ay ang katotohanan." (Quran 14:53)

Ang paanyayang ito upang saliksikin at hanapin ang nagdulot sa mga Muslim na maging interesado sa astronomiya, matematika, kimika, at iba pang mga siyensiya, at mayroon silang isang napakalinaw at matatag na pag-unawa sa mga pagkakaugnay sa heometriya, matematika, at astronomiya.

Ang mga Muslim ay inimbento ang simbolo para sa sero (Ang salitang "cipher" ay nagmula sa Arabeng sifr), at inayos nila ang mga numero sa sistemeng desimal - batay sa  10. Bilang karagdagan, naimbento nila ang simbolo upang maipahayag ang isang hindi kilalang dami, ito ay baryable tulad ng x.

Ang unang dakilang matematikong Muslim, si Al-Khawarizmi, ay inimbento ang paksa ng alhebra (al-Jabr), na kung saan ay karagdagang binuo ng iba, ang pinakakilala ay si Umar Khayyam. Ang gawa ni Al-Khawarizmi, sa pagsasalin sa Latin, ay nagdala ng mga numerong Arabe kasama ang matematika sa Europa, sa pamamagitan ng Espanya. Ang salitang "algoritmo" ay hinango sa kanyang pangalan.

Ang mga Muslim na matematiko ay nagtagumpay din sa heometriya, tulad ng makikita sa kanilang grapikong mga sining, at ang dakilang Al-Biruni (na napakahusay din sa larangan ng likas na kasaysayan, maging ang heolohiya at mineralohiya) na nagtatag ng trigonometriya bilang isang natatanging sangay ng matematika. Ang iba pang mga Muslim na matematiko ay gumawa ng makabuluhang pag-unlad sa teorya ng bilang.

Medisina

Sa Islam, ang katawan ng tao ay isang mapagkukunan ng pagpapahalaga, dahil nilikha ito ng Makapangyarihang Allah (Diyos). Paano ito gumagana, kung paano ito panatilihing malinis at ligtas, kung paano maiwasan ang mga sakit mula sa pag-atake nito o pagalingin ang mga sakit na iyon, ay naging mga mahahalagang usapin para sa mga Muslim.

Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi:

"Ang Diyos ay hindi lumikha ng sakit, maliban sa naglaan para dito ng lunas, maliban sa katandaan. Kapag ang lunas ay nailapat, ang may sakit ay bubuti sa pahintulot ng Diyos."

Ito ay malakas na pagganyak upang hikayatin ang mga Muslim na siyentipiko na saliksikin, buoin, at gamitin ang mga batas na empirikal. Higit na pansin ang ibinigay sa medisina at pangangalaga sa kalusugan ng publiko. Ang unang ospital ay itinayo sa Baghdad noong 706 AC. Ang mga Muslim ay gumamit din ng mga karwaang kamelyo bilang mga lumilibot na ospital, na lumilipat mula sa bawat lugar.

Dahil ang relihiyon ay hindi ito ipinagbawal, ang mga pantas na Muslim ay ginamit ang mga bangkay ng tao upang pag-aralan ang anatomiya at pisyolohiya at tulungan ang kanilang mga mag-aaral na maunawaan kung paano gumagana ang katawan. Ang empirikal na pag-aaral na ito ay nakatulong para ang palatistisan (surgery) ay mabuo nang napakabilis.

Si Al-Razi, na kilala sa Kanluran bilang Rhazes, ang tanyag na manggagamot at siyentipiko, (d. 932) ay isa sa mga pinakadakilang manggagamot sa mundo sa Gitnang Kapanahunan. Binigyang diin niya ang empirikal na pagmamasid at klinikong medisina at hindi napantayan bilang isang dyagnostiko. Sumulat din siya ng isang tratado sa kalinisan sa mga ospital. Si Khalaf Abul-Qasim Al-Zahrawi ay isang napaka kilalang siruhano noong ika-labing isang siglo, na kilala sa Europa para sa kanyang gawain, sa Concesio (Kitab al-Tasrif).

Si Ibn Sina (d. 1037), na mas kilala sa Kanluran bilang Avicenna, ay marahil ang pinakadakilang manggagamot hanggang sa makabagong panahon. Ang kanyang tanyag na aklat, ang Al-Qanun fi al-Tibb, ay nanatiling isang pamantayang aklat kahit na sa Europa, sa loob ng mahigit na 700 taon. Ang gawain ni Ibn Sina ay pinag-aaralan pa rin at itinatayo sa Silangan.

Ang iba pang mga makabuluhang naiambag ay ginawa sa parmakolohiya, tulad ng Kitab al-Shifa' (Book of Healing) ni Ibn Sina, at sa kalusugan ng publiko. Ang bawat pangunahing lungsod sa Islamikong mundo ay mayroong ilang napakahusay na ospital, ang ilan sa mga ito ay nagtuturo sa mga ospital, at marami sa mga ito ay dalubhasa para sa mga partikular na mga sakit, kabilang ang sa pag-iisip at emosyonal. Ang mga Otomano ay partikular na nabanggit para sa kanilang pagtatayo ng mga ospital at para sa mataas na antas ng kalinisan na ipinasanay sa kanila.

Piliin ang iyong Lenguahe