Propeta Muhammad

00:00
01:48

Si Propeta Muhammad ay ang taong minamahal ng mahigit 1.2 bilyong Muslim.

Si Propeta Muhammad ang nagturo sa atin ng pagtitiis sa harap ng mga pagsubok at ang namuhay sa mundong ito habang hinahangad ang buhay na walang hanggan sa kabilang-buhay.

Kay Propeta Muhammad ipinahayag ng Diyos ang Qur’an.

Ang buhay ni Propeta Muhammad ay ang Qur’an—naunawaan niya ito, minahal niya ito, at isinabuhay niya ito ayon sa mga pamantayan nito.

Si Propeta Muhammad ang nagturo sa atin na bigkasin ang Qur’an, mamuhay ayon sa mga prinsipyo nito, at mahalin ito. Kapag ang mga Muslim ay nagpahayag ng kanilang pananampalataya sa Nag-iisang Diyos, ipinapahayag din nila ang kanilang paniniwala na si Muhammad ay alipin at ang huling sugo ng Diyos.

Lenguahe