Si Abraham at ang Kanyang Ama
Tulad
ng mga nasa paligid niya, ang ama ni Abraham na si Azar (Terah o Terakh
sa Bibliya), ay isang sumasamba sa idolo. Ang tradisyon ng Bibliya
kaya't ang unang panawagan ni Abraham ay nakadirekta sa kanya. Siya ay
binigyan niya ng malinaw na lohika at pang-unawa, na naintindihan ng
isang binatang tulad niya pati na rin ng marurunong.
"At nabanggit sa Aklat (ang Quran) si Abraham. Tunay ngang siya ay isang tao ng katotohanan, isang Propeta. Nang kanyang sabihin sa kanyang ama: “O aking ama! Bakit ninyo sinasamba yaong hindi nakakarinig, at hindi nakakakita, gayundin ay hindi makakapagbigay sa inyo ng anuman? O aking ama! Katotohanang may dumatal sa akin na karunungan na hindi sumapit sa inyo. Kaya’t ako ay inyong sundin, kayo ay aking gagabayan sa Matuwid na Landas."
Ang sagot ng kanyang
ama ay pagtanggi, isang malinaw na sagot ng sinumang tao na hinamon ng
isa pang mas bata kaysa sa kanila, isang hamon na ginawa laban sa mga
taon ng tradisyon at pamantayan.
"Siya (ang ama ni Abraham)
ay nangusap: “Ikaw baga ay nagtatakwil sa aking mga diyos, O Abraham?
Kung ikaw ay hindi titigil (dito), katotohanang ikaw ay aking babatuhin.
Kaya’t lumayo ka sa akin habang ikaw ay ligtas, bago pa kita ay
maparusahan.’" (Quran 19:46)
Si Abraham at ang Kanyang mga Tao
Matapos ang walang
tigil na pagtatangka sa pag-aanyaya sa kanyang ama na iwanan ang
pagsamba sa mga maling idolo, bumaling si Abraham sa kanyang mga tao na
naghahangad na mabigyan ng babala ang iba, na kinausap sila sa parehong
simpleng lohika.
"At isalaysay mo sa kanila ang kasaysayan ni Abraham. Nang sabihin niya sa kanyang ama at sa kanyang mga tao: “Ano baga ang inyong sinasamba?” Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasamba sa mga imahen, at sa kanila kami ay lagi nang matimtiman.” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Kayo ba ay naririnig nila, kung kayo ay tumatawag (sa kanila)? O sila ba ay nagbibigay ng kapakinabangan sa inyo o pinipinsala nila (kayo)?” Sila ay nagsabi: “Hindi, nguni’t nakagisnan na namin ang aming mga ninuno na gumagawa ng ganito.” Siya (Abraham) ay nagsabi: “Namamasdan ba ninyo ang mga bagay na inyong sinasamba, kayo, at ng inyong mga ninuno noon pa sa panahong sinauna?” Katotohanan! Sila ay aking mga kaaway, maliban sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang); Na lumikha sa akin, at Siya na Tanging namamatnubay sa akin; At Siya ang nagpapakain at nagbibigay sa akin ng inumin. At kung ako ay maysakit, Siya ang nagbibigay lunas sa akin; At Siya ang maggagawad sa akin ng kamatayan, at Siya rin ang magbabangon sa akin sa (muling) pagkabuhay."
Sa pagpapalawak ng
kanyang panawagan na ang tanging diyos na nararapat sambahin ay ang
Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, ay nagbigay siya ng isa pang
halimbawa upang pag-isipan ng kanyang mga tao. Ang tradisyon ng
Hudyo-Kristyano ay nagsasabi ng isang katulad na kuwento, ngunit
inilalarawan ito sa konteksto na si Abraham mismo sa pagkakatanto sa
Diyos sa pamamagitan ng pagsamba sa mga nilalang na ito[3],
hindi yaong ginagamit niya ito bilang halimbawa para sa kanyang bayan.
Sa Quran, wala sa mga Propeta ang sinasabing nagkaroon ng kaugnayan sa
iba maliban sa Diyos, kahit na hindi pa sila napagsabihan ng wastong
paraan bago pa sila maging propeta. Sinasabi ng Quran tungkol kay
Abraham:
"Nang ang kadiliman ng gabi ay lumambong sa kanya, siya ay nakamalas ng isang bituin. Siya ay nagsabi: 'Ito ang aking Panginoon.' Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: 'Hindi ko naiibigan yaong lumulubog.’"
Ipinakita sa kanila ni
Abraham ang halimbawa ng mga bituin, isang nilikha na tunay na hindi
maintindihan ng mga tao dati, na nakikita bilang isang bagay na higit pa
kaysa sa sangkatauhan, at maraming beses na mayroong iba't ibang mga
kapangyarihan na naiugnay sa kanila. Ngunit sa pagkawala ng mga bituin
(sa araw) nakita ni Abraham ang kanilang kawalan ng kakayahang lumitaw
ayon sa nais nila, ngunit sa halip sa gabi lamang.
Pagkatapos ay nagbigay
siya ng halimbawa ng isang bagay na mas malaki, isang nasa langit na
nilikha na mas maganda, mas malaki, at maaari ring lumitaw sa araw din!
"Nang mapagmasdan niya ang buwan na sumisikat, siya ay nagsabi: 'Ito ang aking Panginoon.' Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: 'Malibang ako ay patnubayan ng aking Panginoon, katiyakang ako ay mapapabilang sa lipon ng mga tao na naliligaw sa kamalian.’"
Pagkatapos bilang
kanyang pinakahuling halimbawa, ibinigay niya ang isa pang halimbawa ng
isang bagay na mas malaki, isa sa pinakamalakas na nilikha, na kung wala
ito ay imposibleng mabuhay.
"Nang mapagmalas niya ang araw na sumisikat, siya ay nagsabi: 'Ito ang aking Panginoon. Ito ay higit na dakila.' Datapuwa’t nang ito ay lumubog, siya ay nagturing: 'O aking pamayanan! Katotohanang ako ay malaya sa lahat ng mga iniaakibat ninyo na katambal sa pagsamba kay Allah.’"
Pinatunayan sa kanila
ni Abraham na ang Panginoon ng mga sanlibutan ay hindi matatagpuan sa
mga nilikha na kinakatawan ng kanilang mga idolo, ngunit, sa halip, ang
entidad na lumikha sa kanila at ang lahat ng kanilang nakikita at
nadarama; na ang Panginoon ay hindi kinakailangang makita upang
sambahin. Isa Siyang Diyos na kayang gawin ang lahat, hindi nakagapos sa
mga limitasyon tulad ng mga nilikha na matatagpuan sa mundong ito. Ang
kanyang mensahe ay simple:
"Pagsilbihan (sambahin) ninyo (lamang) si Allah at Siya ay inyong pangambahan; ito ay higit na mainam sa inyo, kung kayo ay nakakaunawa! Sapagkat kayo ay sumasamba sa mga diyus-diyosan maliban pa kay Allah, at kayo ay nagsisigawa ng mga kasinungalingan. Katotohanan, ang mga bagay na sinasamba ninyo bukod pa kay Allah ay walang kapangyarihan upang bigyan kayo ng ikabubuhay, kaya’t magsihanap kayo ng ikabubuhay mula kay Allah (lamang), at Siya (lamang) ang paglingkuran ninyo at magkaroon kayo ng utang na loob ng pasasalamat sa Kanya. (Tanging) Sa Kanya, kayong lahat ay magbabalik."
Malinaw niyang tinanong ang kanilang pagsunod sa mga tradisyon lamang ng kanilang mga ninuno,
"Sinabi niya: 'Katotohanang ikaw at ang iyong mga ninuno ay nasa mali.’"
Ang landas ni Abraham
ay mapupuno ng sakit, kahirapan, pagsubok, pagtutol, at pighati sa puso.
Tinanggihan ng kanyang ama at mga tao ang kanyang mensahe. Ang kanyang
panawagan ay napakinggan ng mga bingi; hindi na sila mapapakiusapan. Sa
halip, hinamon siya at pinaglaruan,
"Sinabi nila: 'Dalhin mo sa amin ang katotohanan, o ikaw ba ay nag-papatawa?’"
Sa yugtong ito sa
kanyang buhay, si Abraham, isang binata na may isang pag-asa na
hinaharap, ay sumasalungat sa kanyang sariling pamilya at bansa upang
maipahayag ang isang mensahe ng totoong monoteismo, paniniwala sa Isang
Tunay na Diyos, at pagtanggi sa lahat ng iba pang maling diyos, sila man
ay maging mga bituin at iba pang mga makalangit o makalupang nilikha, o
paglalarawan ng mga diyos sa anyo ng mga idolo. Siya ay tinanggihan,
pinalayas at pinarusahan para sa paniniwalang ito, ngunit nanindigan
siya laban sa lahat ng kasamaan, handang harapin ang higit pa sa
hinaharap.
"At alalahanin nang si Abraham ay sinubukan ng kanyang Panginoon sa natatanging Pag-uutos na kanyang tinupad..."
[1] Gen
r. xxxviii, Tanna debe Eliyahu. Ii. 25.
[2] Abraham.
Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford Howell Toy.
The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=360&letter=A#881)
[3] The
Talmud: Selections, H. Polano. (http://www.sacred-texts.com/jud/pol/index.htm).