Si Abraham sa Canaan at Ehipto
Nanatili
si Abraham sa Canaan ng maraming taon na nagtutungo sa bawat lungsod na
nangangaral at inaanyayahan ang mga tao sa Diyos hanggang sa isang
taggutom na napilitan siya at si Sarah na lumipat sa Ehipto. Sa Ehipto
ay may isang naghahari-hariang Paraon na may masidhing hangaring
angkinin ang mga babaeng may asawa na.
Ang Islamikong kwento na ito ay kapansin-pansing naiiba kaysa sa mga
tradisyon ng Hudyo-Kristyano, na kung saan sinasabi na inangkin ni
Abraham na si Sarah ay kanyang kapatid na babae upang mailigtas ang kanyang sarili sa Paraon[3].
Ginawa ng Paraon si Sarah na kabilang sa kanyang mga asawa at
pinarangalan si Abraham para dito, ngunit nang ang kanyang bahay ay
tinamaan ng matinding peste, nalaman niya na siya ay asawa ni Abraham at
pinarusahan siya sa hindi pagsasabi sa kanya, kaya't pinalayas siya
mula sa Ehipto.[4]
Alam ni Abraham na
makukuha ni Sarah ang kanyang atensyon (ng hari), kaya sinabi niya sa
kanya na kung tatanungin siya ng Paraon, dapat niyang sabihin na siya ay
kapatid ni Abraham. Nang pumasok sila sa kanyang kaharian, tulad ng
inaasahan, tinanong ng Paraon ang tungkol sa kanyang kaugnayan kay Sara,
at sumagot si Abraham na siya ay kanyang kapatid na babae. Bagaman ang
sagot ay nagpabawas sa ilan sa kanyang pagkahilig, binihag niya pa rin
siya. Ngunit ang proteksyon ng Makapangyarihan sa lahat ang nagligtas
kay Sarah mula sa kanyang masamang balak. Nang tinawag ni Paraon si
Sarah para gawin ang kanyang masamang hangarin, bumaling si Sarah sa
Diyos at nanalangin. Sa sandaling inaabot na ni Paraon si Sarah, nanigas
ang itaas ng kanyang katawan. Sumigaw siya kay Sarah sa pagkabalisa,
nangako na palalayain siya kung magdadasal siya para sa kanyang
paggaling! Nanalangin siya para makalaya siya. Ngunit pagkatapos lamang
ng nabigong ikatlong pagtatangka ay sa wakas tumigil na siya. Napagtanto
ang kanilang natatanging kalikasan, pinalaya niya siya at ibinalik sa
kanyang sinasabing kapatid.
Bumalik si Sara habang
nagdarasal si Abraham, kasama ang mga regalo mula sa Paraon, dahil sa
napagtanto niya ang kanilang natatanging kalikasan, kasama ang sariling
anak na babae ng hari na si Hagar, ayon sa tradisyon ng Hudyo-Kristyano,
bilang isang babaeng alipin[5].
Naghatid siya ng isang makapangyarihang mensahe sa Paraon at sa mga paganong taga-Ehipto.
.
Alinmang kaso ito, sa tradisyon ng Hudyo at Babilonya, ang anumang
supling na ipinanganak sa isang aliping babae, ay aangkinin ng amo ng
aliping babae at ituturing na katulad ng isang batang ipinanganak mula
sa kanya,
kasama na ang mga usapin ng mana. Habang nasa Palestine, ipinanganak ni Hagar ang isang anak na lalaki, si Ismael.
Si Abraham sa Mecca
Nang pinapasuso pa si
Ismael, pinili pa rin ng Diyos na subukan ang pananampalataya ng kanyang
minamahal na si Abraham at inutusan siyang dalhin sina Hagar at Ismael
sa isang tigang na lambak ng Bakka 700 milya sa timog-silangan ng
Hebron. Sa kalaunan tinawag itong Mecca. Sa katunayan ito ay isang
mahusay na pagsubok, sapagkat siya at ang kanyang pamilya ay nananabik
ng gayong panahon sa mga anak, at nang ang kanilang mga mata ay napuno
ng kagalakan ng isang tagapagmana, ang utos ay ipinatupad na dalhin siya
sa isang malayong lupain, na kilala sa kawalan at kahirapan.
Habang ang Quran ay
nagpapatunay na ito ay isa pang pagsubok para kay Abraham habang si
Ismael ay isang sanggol pa, ang Bibliya at mga tradisyon ng
Hudyo-Kristyano ay iginiit na ito ay bunga ng galit ni Sarah, na
humiling kay Abraham na palayasin si Hagar at ang kanyang anak nang
makita niyang "Kinukutya" ni Ishmael[9]
si Isaac[10]
pagkatapos siyang awatin sa pagpapasuso sa ina. Dahil ang tipikal na
edad para sa pag-tigil sa pagpapasuso, ay hindi bababa sa tradisyon ng
mga Hudyo, ay 3 taon
nang mangyari ang kaganapang ito. Tila napaka imposible, na kargahin ni
Hagar ang isang binata sa kanyang balikat at dalhin siya ng daan-daang
milya hanggang sa makarating siya sa Paran, pagkatapos tsaka lamang siya
inilapag, tulad ng sabi ng Bibliya, sa ilalim ng isang halamanan[13].
Sa mga talatang ito si Ismael ay tinutukoy sa ibang salita kaysa sa
ginamit na paglalarawan sa pagpapalayas sa kanya. Ang salitang ito ay
nagpapahiwatig na siya ay napakabata, marahil isang sanggol, imbis na
binata.
Kaya't si Abraham,
matapos na manirahan kasama sina Hagar at Ismael, ay iniwan sila roon na
may isang balat (lalagyan) ng tubig at bag na puno ng mga datiles. Nang
magsimulang maglakad si Abraham upang iwanan sila, nag-aalala si Hagar
tungkol sa nangyayari. Hindi lumingon si Abraham. Hinabol siya ni Hagar,
‘O Abraham, saan ka pupunta, iiwan mo kami
sa lugar na ito kung saan walang tao na makakasama para maging masaya,
ni kahit ano wala din dito?’
Nagmadali sa paglalakad si Abraham. Sa wakas, itinanong ni Hagar, 'Hiniling ba ng Diyos na gawin ito?'
Bigla, tumigil si Abraham, tumalikod at sinabi, 'Oo!'
Nakaramdam ng kasiyahan sa sagot na ito, tinanong ni Hagar, 'O Abraham, kanino mo kami iiwan?'
'Iiwan ko kayo sa pangangalaga ng Diyos,' sagot ni Abraham.
Habang pabalik na siya
kay maliit na Ismael, si Abraham naman ay nagpatuloy hanggang sa
makarating siya sa isang makitid na daanan sa bundok kung saan hindi na
nila siya makita. Huminto siya roon at hiniling sa Diyos sa panalangin
na:
"O aming Panginoon! Hinayaan ko ang iba sa aking mga anak na manirahan sa lambak na walang pananim, sa iyong Sagradong Tahanan (ang Ka’ba sa Makkah), upang sa gayon, o aking Panginoon, na sila ay magsipag-alay ng panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), kaya’t Inyong gawaran ang puso ng ibang tao na may pagmamahal tungo sa kanila, at (o Allah) Inyong pagkalooban sila ng mga bungangkahoy upang sila ay magbigay ng pasasalamat."
Di-nagtagal, naubos
ang tubig at mga datiles at nadagdagan ang desperasyon ni Hagar. Dahil
hindi maalis ang kanyang pagkauhaw o di makapagpasuso sa kanyang maliit
na sanggol, si Hagar ay nagsimulang maghanap ng tubig. Iniwan si Ismael
sa ilalim ng isang puno, sinimulan niyang akyatin ang mabatong
bulubundukin sa isang malapit na burol. 'Baka mayroong isang karawahe na
dumaraan,' naisip niya sa kanyang sarili. Tumakbo siya sa pagitan ng
dalawang burol ng Safa at Marwa ng pitong beses na naghahanap ng mga
palatandaan ng tubig o tulong, na kalaunan ay ginagawa ng lahat ng mga
Muslim sa Hajj. Nanghihina at nababagabag, narinig niya ang isang tinig,
ngunit hindi niya mahanap ang pinagmumulan nito. Pagkatapos, nang
tumingin sa lambak, nakita niya ang isang anghel, na kinilala bilang si
Gabriel sa Islam[15],
nakatayo sa tabi ni Ismael. Ang anghel ay naghukay sa lupa gamit ang
kanyang sakong sa tabi ng sanggol, at ang tubig ay umagos. Ito ay isang
himala! Sinubukan ni Hagar na gumawa ng isang palanggana o tipunan sa
paligid nito upang maiwasan itong dumaloy, at punan ang kanyang balat
(lalagyan ng tubig).[17] Ang balon na ito, na tinawag na Zamzam, ay dumadaloy hanggang sa araw na ito sa lungsod ng Mecca sa Arabian Peninsula.
Hindi nagtagal
pagkatapos nito ang tribo ng Jurham, na naglilipat mula sa timog ng
Arabya, ay tumigil sa tabi ng lambak ng Mecca matapos makita ang hindi
pangkaraniwang tanawin ng isang ibon na lumilipad sa direksyon nito, na
maaari lamang mangahulugan ng pagkakaroon ng tubig. Kalaunan ay
nanirahan sila sa Mecca at si Ismael na lumaki sa kanila.
Ang isang katulad na
ulat tungkol sa balon na ito ay mababasa sa Bibliya sa Genesis 21. Sa
ulat na ito, ang dahilan ng paglayo niya sa sanggol ay sa pag-iwas na
makita siyang mamatay sa halip na maghanap ng tulong. Pagkatapos,
matapos na magsimulang mag-iiyak ng sanggol sa uhaw, hiniling niya sa
Diyos na pahupain siya na makita siyang mamatay. Ang paglitaw ng balon
ay sinabi na bilang tugon sa pag-iyak ni Ismael, sa halip na sa kanyang
pagsusumamo, at walang pagsisikap mula kay Hagar upang makahanap ng
tulong ang naiulat doon. Gayundin, sinasabi ng Bibliya na ang balon ay
nasa desyerto ng Paran, kung saan sila nanirahan pagkatapos. Kadalasang
binabanggit ng mga iskolar ng Hudyo-Kristyano na ang Paran ay nasa isang
lugar sa hilaga ng Peninsula ng Sinai, dahil sa pagbanggit ng Bundok ng
Sinai sa Deuteronomio 33: 2. Gayunman, ang mga modernong arkeologo sa
bibliya, ay nagsasabi na ang Bundok ng Sinai ay talagang nasa modernong o
kasalukuyang Saudi Arabia, na kailangang pati rin ang Paran ay
naroroon.[18]
[1] Fath
al-Bari.
[2]
Bagaman si Sarah ay ang kanyang kapatid sa ama o ina na babae
(kalahating kapatid) ayon sa Genesis 20:12, na lumalabas na ang kanyang
kasal ay incestual (sa loob ng pamilya), ang mga mapagkukunan ng Islam
tulad ng al-Bukhari, ay iginiit na ito ay isa sa tatlong beses kung saan
nakagawa si Abraham ng isang mapanlinlang na pahayag, dahil si Sarah
ang kanyang kapatid na babae sa pananampalataya at pagiging-tao, upang
maiwasan ang isang mas malaking kasamaan.
[3] Bilang karagdagan sa mga tradisyon, ang isang mas detalyadong kuwento ay binanggit din sa Bibliya, Genesis.12.11-20.
[4] Sarah.
Emil G. Hirsch, Wilhelm Bacher, Jacob Zallel Lauterbach, Joseph Jacobs and Mary
W. Montgomery. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=245&letter=S).
Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford
Howell Toy. The Jewish Encyclopedia. See also Genesis: 12:14-20.
[5] Sarah.
Emil G. Hirsch, Wilhelm Bacher, Jacob Zallel Lauterbach, Joseph Jacobs and Mary
W. Montgomery. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=245&letter=S).
Abraham. Charles J. Mendelsohn, Kaufmann Kohler, Richard Gottheil, Crawford
Howell Toy. The Jewish Encyclopedia.
[6] Pilegesh.
Emil G. Hirsch and Schulim Ochser. The Jewish Encyclopedia.
(http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=313&letter=P&search=pilegesh).
[7] (http://whosoeverwill.ca/womenscripturehagar.htm,
http://www.1timothy4-13.com/files/proverbs/art15.html).
[8] (http://www.studylight.org/com/acc/view.cgi?book=ge&chapter=016).
[9]
Genesis 21:9.
[10] Ishmael.
Isidore Singer, M. Seligsohn, Richard Gottheil and Hartwig Hirschfeld. The
Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=277&letter=I).
[11] 2Mac
7:27, 2 Chronicles 31:16.
[12] Si Abraham ay 86 gulang sa kapanganakan ni Ismael (Genesis: 16: 16), at 100 sa kapanganakan ni Isaac (Genesis 21:5).
[13]
Genesis 21:15.
[14] Saheeh
Al-Bukhari.
[15]
[16] Ang isang katulad na kwento ay binanggit sa Bibliya, ngunit ang mga detalye nito ay naiiba. Tingnan ang Genesis 21:16-19
[17] Saheeh
Al-Bukhari
[18]Is Mount SINAI in the SINAI? B.A.S.E.
Institute. (http://www.baseinstitute.org/Sinai_1.html).