Inialay ni Abraham ang Kanyang Anak
Malapit nang mag
sampung taon mula nang iwan ni Abraham ang kanyang asawa at sanggol sa
Mecca sa pangangalaga ng Diyos. Matapos ang isang dalawang buwang
paglalakbay, nagulat siya nang makitang naiba ang Mecca sa kung paano
niya ito iniwan. Ang kagalakan ng muling pagsasama ay agad na nagambala
ng isang pangitain na siyang magiging panghuling pagsubok sa kanyang
pananampalataya. Inutusan ng Diyos si Abraham sa pamamagitan ng isang
panaginip na ialay ang kanyang anak, ang anak na lalaki na mayroon siya
pagkatapos ng maraming taon ng mga panalangin at nakatagpo lamang
pagkatapos ng isang dekada ng pagkakawalay.
Alam natin mula sa
Quran na ang bata na dapat iaalay ay si Ismael, habang ang Diyos, ay
nagbibigay ng maligayang balita sa pagsilang ni Isaac kina Abraham at
Sara, ay nagbigay din ng maligayang balita ng isang apo, si Jacob
(Israel):
"…Ngunit binigyan namin siya ng magandang balita tungkol kay Isaac, at pagkatapos niya, si Jacob."
Katulad nito, sa talatang nasa bibliya sa Genesis 17:19, ipinangako kay Abraham:
"Ang iyong asawa
na si Sarah ay magbibigay sa iyo ng isang anak na ang pangalan ay
magiging Isaac. Itatatag ko ang aking pangako sa kanya bilang isang
walang hanggang pangako [at] sa kanyang binhi na kasunod niya."
Sapagkat ipinangako ng
Diyos na bigyan si Sarah ng isang anak mula kay Abraham at mga apo mula
sa anak na iyon, hindi ito lohikal o praktikal na posible para sa Diyos
na utusan si Abraham na ialay si Isaac, dahil ang Diyos ay hindi
sinisira ang Kanyang pangako, o Siya ang "may-akda ng pagkakalito."
Bagaman ang pangalan
ni Isaac ay malinaw na binanggit bilang isa na dapat iaalay sa Genesis
22: 2, nalaman natin mula sa iba pang mga konteksto ng Bibliya na ito ay
malinaw na interpolasyon (dagdag sa orihinal), at ang tunay na dapat na
kakatayin o isasakripisyo ay si Ismael.
"Aking Nag-iisang Anak"
Sa mga bersikulo ng
Genesis 22, inutusan ng Diyos si Abraham na ialay ang kanyang nag-iisang
anak na lalaki. Lahat ng mga iskolar ng Islam, Hudaismo at
Kristiyanismo ay sumasang-ayon, na ipinanganak si Ismael bago si Isaac.
Mula rito, hindi angkop na tawagin na si Isaac lang ang nag-iisang anak
ni Abraham.
Totoo na ang
Hudyo-Kristyano na mga iskolar ay madalas na nagtatalo na dahil si
Ismael ay ipinanganak sa isang aliping babae, hindi siya isang
lehitimong anak. Gayunpaman, nabanggit na natin kumakailan na ayon sa
Hudaismo mismo, ang paghahandog ng mga aliping-babae mula sa mga baog na
asawang babae para sa kanilang mga asawa upang makabuo ng mga supling
ay isang pangkaraniwan, may bisa at katanggap-tanggap na pangyayari, at
ang bata na mula sa aliping-babae ay aangkinin ng asawa ng ama[1],
tinatangkilik ang lahat ng karapatan bilang kanya, ang sa asawa,
sariling anak, kabilang ang mana. Bukod dito, makakatanggap sila ng
dobleng bahagi kaysa sa iba pang mga bata, kahit na sila ay
"kinamumuhian"[2].
Bilang karagdagan
dito, ipinahiwatig sa Bibliya na kikilalanin mismo ni Sarah ang isang
anak na mula kay Hagar bilang isang wastong tagapagmana. Dahil sa
pagkakaalam na ipinangako kay Abraham na ang kanyang binhi ay pupunuin
ang lupain sa pagitan ng Nile at Euphrates (Genesis 15:18) mula sa
kanyang sariling katawan (Genesis 15: 4), inalok niya si Hagar kay
Abraham upang siya ang maging daan upang matupad ang propesiya na ito.
Sabi niya,
"Masdan ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na magka-anak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya."
Ito rin ay katulad
nina Lea at Raquel, ang mga asawa ni Jacob na anak ni Isaac, na
ibinibigay ang kanilang mga aliping babae kay Jacob upang makabuo ng mga
anak (Genesis 30: 3, 6. 7, 9-13). Ang kanilang mga anak ay sina Dan,
Nepthali, Gad at Asher, na mula sa labindalawang anak ni Jacob, ang mga
magulang ng labindalawang tribo ng mga Israelita, at samakatuwid ay mga
wastong tagapagmana[3].
Mula rito,
naiintindihan natin na si Sarah ay naniniwala na ang isang batang
ipapanganak ni Hagar ay isang katuparan ng propesiya na ibinigay kay
Abraham, at magiging parang siya mismo ang nanganak sa kanya. Kaya, ayon
sa katotohanang ito lamang, si Ismael ay hindi anak sa labas, ngunit
isang karapat-dapat na tagapagmana.
Ang Diyos mismo ang
nagturing kay Ismael bilang isang wastong tagapagmana, sapagkat, sa
maraming lugar, binabanggit ng Bibliya na si Ismael ay isang "binhi" ni
Abraham. Halimbawa, sa Genesis 21:13:
"At gayon din sa anak ng alipin ay gagawin ko ang isang bansa, sapagkat siya ang iyong binhi."
Maraming iba pang mga
kadahilanan na nagpapatunay na si Ismael at hindi si Isaac ang dapat
iaalay, at nais ng Diyos, isang hiwalay na artikulo ang itatalaga sa
paksa na ito.
Upang magpatuloy sa pag-uulat, kumunsulta si Abraham sa kanyang anak upang malaman kung naunawaan niya ang iniutos ng Diyos,
"Kaya’t ibinigay Namin sa kanya ang magandang balita ng matimtimang anak (na lalaki, si Ismail). At nang ang (anak na) lalaki ay sumapit na sa hustong gulang para tumulong sa mga pang araw-araw na gawain, siya (Abraham) ay nagsabi: “O aking anak! Ako ay nanaginip na iaalay kita bilang sakripisyo (kay Allah); iyong sabihin kung ano ang iyong nasasaloob!” (Ang anak) ay nagsabi: “o aking ama! Inyong sundin kung ano ang sa inyo ay ipinag-utos. Insha Allah (Kung pahihintulutan ni Allah), matatagpuan ninyo ako (kung ito ang kalooban ni Allah) na isang matiisin."
Sa katunayan kung ang
isang tao ay sinabihan ng kanilang ama na sila ay papatayin dahil sa
isang panaginip, hindi ito tatanggapin ng madali. Maaaring
mag-alinlangan ang isang tao sa panaginip pati na rin sa katinuan ng
tao, ngunit alam ni Ismael ang katayuan ng kanyang ama. Ang maka-diyos
na anak ng isang maka-diyos na ama ay desidido sa pagsumite sa Diyos.
Dinala ni Abraham ang kanyang anak sa lugar kung saan siya dapat iaalay
at inihiga siya nang nakadapa. Para sa kadahilanang ito, inilarawan sila
ng Diyos sa pinakamagagandang mga salita, pagpapakita ng isang larawan
sa diwa ng pagsusumite; isa na nagdadala ng luha sa mga mata:
"At nang sila ay kapwa nagsuko ng kanilang sarili (sa pagsunod kay Allah), at kanyang inihiga na siya na nakapatirapa sa kanyang noo (upang isakripisyo)."
Habang ang kutsilyo ni Abraham ay nakapwesto na, isang tinig ang nagpahinto sa kanya
"Amin (Allah) siyang tinawag: o Abraham! Iyo nang natupad nang ganap ang panaginip!” Katotohanang sa ganito Namin ginagantimpalaan ang mabubuti, Katotohanang ito ay isang tunay na lantad na pagsubok."
Sa katunayan, ito ang
pinakadakilang pagsubok sa lahat, ang pagsasakripisyo ng kanyang
nag-iisang anak, isang ipinanganak sa kanya pagkatapos na umabot na siya
sa katandaan at mga taong pananabik para sa mga supling. Dito,
ipinakita ni Abraham ang kanyang pagpayag na isakripisyo ang lahat ng
kanyang mga pag-aari para sa Diyos, at sa kadahilanang ito, siya ay
hinirang na pinuno ng lahat ng sangkatauhan, na pinagpala ng Diyos ng
supling na mga Propeta.
"At alalahanin nang si Abraham ay sinubukan ng kanyang Panginoon sa natatanging Pag-uutos na kanyang tinupad. Siya (Allah) ay nagwika sa kanya: “Katotohanan, ikaw ay Aking gagawin na isang pinuno (Propeta) ng sangkatauhan.” (Si Abraham) ay nanikluhod: “Gayundin ang aking mga anak (lahi)."
Si Ismael ay tinubos gamit ang isang tupa,
‘… At siya ay tinubos (iniligtas) Namin sa isang malaking sakripisyo (ipinalit sa kanya ang isang hayop, alalaong baga, isang lalaking tupa).’
Ito ang huwaran ng
pagsumite at tiwala sa Diyos na daan-daang milyong mga Muslim ang
gumagaya o nagsasagawa bawat taon sa panahon ng Hajj, isang araw na tinatawag na Yawm-un-Nahr - Ang Araw ng Pag-alay, o Eid-ul-Adhaa - o ang Pagdiriwang ng Pag-alay.
Si Abraham ay bumalik
sa Palestine, at sa paggawa nito, dinalaw siya ng mga anghel na nagbigay
sa kanya at kay Sarah ng mabuting balita ng isang anak na si Isaac,
"Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang batang lalaki (anak) na nagtataglay ng maraming kaalaman at karunungan"
Sa oras na ito ay sinabihan din siya tungkol sa pagkawasak ng mga tao ni Lot.
[1]
Pilegesh. Emil G. Hirsch and Schulim
Ochser. The Jewish Encyclopedia.
(http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=313&letter=P).
[2]
Deuteronomy 21:15-17. Tingnan din: Primogeniture.
Emil G. Hirsch and I. M. Casanowicz. The Jewish Encyclopedia.
(http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=527&letter=P).
[3]
Jacob. Emil G. Hirsch, M. Seligsohn, Solomon Schechter and Julius H.
Greenstone. The Jewish Encyclopedia. (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=19&letter=J).