"Ipinagbabawal sa inyo (bilang pagkain) ang mga: Maytah (patay na hayop, mga hayop na hindi kinatay), dugo, laman ng baboy at ang mga kinatay na hindi sinambit ang Ngalan ng Allah bilang pag-aalay sa iba bukod sa Kanya o di kaya’y kinatay upang ialay sa mga dinadalanginang idolo) o kaya’y pinatay sa pamamagitan ng sakal (bigti) o ng marahas na hampas o pagkahulog o sa pamamagitan ng pagsuwag ng mga (matutulis na) sungay at yaong ibang bahagi nito ay kinain (nilapa) na ng mga mababangis (o ligaw) na hayop maliban na lamang kung ito ay inyong kinatay bago nalagutan ng hininga. At sa (mga hayop din) na kinatay (bilang gamit) sa An-Nusub (dambanang bato). (Ipinagbabawal rin sa inyo) ang paggamit ng palaso (o busog) sa paghahanap ng kapalaran o pasiya…"