Nilalaman

content

Content of article

Ang pakikitungo ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa ibang relihiyon ay higit na mailalarawan sa talata ng Quran:

“Para sa inyo ang inyong relihiyon at para sa akin ang aking relihiyon.”

Ang Peninsulang Arabya sa panahon ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay isang rehiyon kung saan naroroon ang iba't ibang mga pananampalataya. May mga Kristiyano, Hudyo, Zoroastriano, Politeista, at iba pa na hindi kasapi sa anumang relihiyon. Kapag ang isang tao ay tumingin sa buhay ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), siya ay maaaring makapulot ng maraming mga halimbawa upang mailarawan ang mataas na antas ng pagpapaubaya na ipinakita sa mga tao ng ibang mga pananampalataya.

Upang maunawaan at hatulan ang pagpapaubaya na ito, dapat isaalang-alang ng isang tao ang panahon kung saan ang Islam ay isang pormal na estado, kasama ang mga partikular na mga batas na inilatag ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) alinsunod sa mga doktrina ng relihiyon. Kahit na mapansin ng isang tao ang maraming mga halimbawa ng pagpaparaya na ipinakita ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa labing-tatlong taon ng kanyang pamamalagi sa Mecca, maaaring mali ang isipin ng isang tao na ito ay dahil sa paghahangad na itaas ang pagkakakilanlan sa mga Muslim at ang katayuan ng lipunan ng Islam at ng pangkalahatan. Sa kadahilanang ito, ang talakayan ay lilimitahan sa panahon na nagsimula sa paglipat ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa Madinah, at partikular sa sandaling itinakda ang saligang batas.

Ang Saheefah

Ang pinakamahusay na halimbawa ng pagpapahintulot na ipinakita ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa ibang mga relihiyon ay maaaring ang saligang batas mismo, na tinatawag na 'Saheefah' ng mga naunang mananalaysay.isang bansa sa pagbubukod ng lahat ng iba pa." Ang lahat ay itinuturing na mga miyembro at mamamayan ng lipunang Madinah anuman ang relihiyon, lahi, o ninuno. Ang mga tao ng ibang mga pananampalataya ay protektado mula sa pinsala tulad din ng mga Muslim, tulad ng nakasaad sa ibang artikulo, “Sa mga Hudyo na sumusunod sa atin ay kabilang sa tulong at pagkakapantay-pantay. Hindi siya mapapahamak at ang kanyang mga kaaway ay hindi tutulungan. Dati, ang bawat tribo ay mayroong kani-kanilang mga alyansa at mga kaaway sa loob at labas ng Madinah. Pinagsama ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang iba't ibang tribo sa ilalim ng isang sistema ng pamamahala na nagtataguyod ng mga kasunduan ng mga alyansa na dati nang umiiral sa pagitan ng mga indibidwal na tribo. Ang lahat ng mga tribo ay kailangang kumilos bilang isang buo nang hindi pinapansin ang mga indibidwal na alyansa.  Ang anumang pag-atake sa ibang relihiyon o tribo ay itinuturing na pag-atake sa estado at sa mga Muslim din.

Ang buhay ng mga nagsasanay ng ibang mga relihiyon sa lipunang Muslim ay nabigyan din ng protektadong katayuan. Sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala):

“Ang sinumang pumatay ng isang tao na may pansamantalang tigil alitan o pansamantalang kapayapaan kasama ang mga Muslim ay hindi kailanman maaamoy ang halimuyak ng Paraiso.” (Saheeh Muslim)

Dahil sa pangingibabaw ng mga Muslim, mahigpit na nagbabala ang Propeta laban sa anumang pangmamaltrato sa mga miyembro ng ibang pananampalataya. Sinabi nya (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala):

“Mag-ingat! Kung sino man ang malupit at mahigpit sa isang di-Muslim na minorya, o pinipigilan ang kanilang mga karapatan, o bigyan siya ng pasanin na higit sa kanyang makakaya, o kumuha ng anumang bagay sa kanila na labag sa kanilang kalooban; Ako (Propeta Muhammad) ay magrereklamo laban sa taong ito sa Araw ng Paghuhukom.” (Abu Dawud)

Sa Bawat Sarili Nilang Relihiyon

Sa ibang artikulo, nakasaad dito, “ang mga Hudyo ay mayroong kanilang relihiyon at ang mga Muslim ay mayroon sa kanila.” Dito, malinaw na ang anumang bagay maliban sa pagpapahintulot ay hindi pinapayagan, at, bagaman ang lahat ay miyembro ng isang lipunan, bawat isa ay may hiwalay na relihiyon na hindi maaaring labagin. Pinapayagan ang bawat isa na maisagawa ang kanilang mga paniniwala nang malaya nang walang anumang mga hadlang, at walang hahayaang mga kilos ng paghahamon.

Maraming iba pang mga artikulo ng saligang batas na maaaring talakayin, ngunit bibigyang diin ang isang artikulo na kung saan ay nakasaad na, “Kung may anumang pagtatalo o kontrobersiya na posibleng magdulot ng kaguluhan ay lumitaw, dapat itong isangguni sa Diyos at sa Kanyang Sugo (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).” Ang sugnay na ito ay iginigiit na ang lahat ng mga naninirahan sa estado ay dapat makilala ang isang mas mataas na antas ng awtoridad, at sa mga bagay na may kinalaman sa iba't ibang tribo at relihiyon, ang hustisya ay hindi mailalapat ng mga indibidwal na pinuno; sa halip ito ay dapat hinuhusgahan ng pinuno ng estado mismo o ng kanyang itinalagang mga kinatawan. Gayunpaman, ang mga indibidwal na tribo na hindi Muslim ay pinahihintulutan na sumangguni sa kanilang sariling mga banal na kasulatan at kanilang mga dalubhasa patungkol sa kanilang pansariling gawain. Bagaman maari din sila, kung gugustuhin nila, dumulog sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) para humatol sa pagitan nila sa kanilang mga bagay-bagay. Sinasabi ng Diyos sa Quran:

“…kung sila ay magsisilapit sa iyo (O Muhammad), alinmang ikaw ay humatol o tumangging makialam...” (Quran 5:42)

Dito makikita natin na pinahintulutan ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang bawat relihiyon na humatol ayon sa kanilang sariling mga banal na kasulatan, hangga't hindi ito sumasalungat sa mga artikulo ng konstitusyon, isang kasunduan na isinasaalang-alang ang mas malaking kabutihan ng mapayapang pagkakaugnayan sa lipunan.

MGA TALABABA:

  1. Ang lipunan ng Madinah sa Panahon ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), Akram Diya al-Umari, International Islamic Publishing House, 1995.


Kumento