Isang Pormal na Doktrina ang Inilabas
Nang ang kontrobersya tungkol sa usapin ng
Trinidad ay pumutok noong 318 sa pagitan ng dalawang kura ng simbahan
mula sa Alehandriya - si Arius, ang dyakono, at Alejandro, ang kanyang
obispo - si Emperador Constantino ay nanghimasok sa usapin.
Bagamat ang Kristiyanong doktrina ay isang
ganap na misteryo sa kanya, nalalaman niyang ang nagkakaisang simbahan
ay kinakailangan para sa isang matatag na kaharian. Nang ang negosasyon
ay nabigong malutas ang alitan, si Constantino ay nagpatawag para sa
unang ekumenikong konseho sa kasaysayan ng Simbahan upang agarang ayusin
ang usapin at matapos na.
Anim na linggo matapos ang unang pagtitipon ng
300 na mga obispo sa Nicea noong 325, ang doktrina ng Trinidad ay nabuo.
Ang Diyos ng mga Kristiyano ay itinuring na ngayon bilang mayroong
tatlong mga diwa, o kalikasan, sa anyo ng Ama, Anak, at Banal na
Espiritu.
Ang Simbahan ay Nanindigan
Ang usapin ay malayo pa sa kaayusan,
gayunpaman, sa kabila ng malaking pag-asa para dito sa bahagi ni
Constantino. Si Arius at ang bagong obispo ng Alehandriya, isang lalaki
na nagngangalang Atanasio, ay nagsimulang makipagtalo tungkol sa usapin
kahit na ang Kredong Niseno ay nalagdaan na; Ang "Arianismo" ay naging
isang kilalang katawagan mula sa mga oras na yaon at sa mga sumunod pa
para sa sinumang hindi tumanggap sa doktrina ng Trinidad.
Noon lang 451, sa Konseho ng Calcedon na, sa
pagsang-ayon ng Papa, ang Niseno/Constantinoplang Kredo ay itinakda
bilang may kapangyarihan. Ang debate sa usaping ito ay hindi na
pinahintulutan; ang mangusap laban sa Trinidad ay itinuturing na ngayong
kalapastangan, at para dito ay may matinding kaparusahan na
pagpuputol-putulin ang katawan hanggang mamatay. Ang mga Kristiyano ay
nakatuon ngayon sa mga kapwa Kristiyano, sa pamiminsala at pagpatay sa
libu-libo dahil sa pagkakaiba ng opinyon.
Ang Debate ay Nagpatuloy
Ang brutal na mga parusa at kahit kamatayan ay
hindi nagpahinto sa kontrobersya sa doktrina ng Trinidad, gayunpaman, at
ang nasabing kontrobersya ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.
Ang karamihan ng mga Kristiyano, kapag
hiningian ng paliwanag sa pangunahing doktrinang ito ng kanilang
pananampalataya, ay walang mai-alok o masabi ng higit pa sa "Naniniwala
ako dito dahil sinabi sa akin na gawin ito." Ito ay ipinapaliwanag
bilang "misteryo" - kahit sinasabi ng Bibliya sa 1 Corinto 14:33 na:
"... Ang Diyos ay hindi ang may akda ng kalituhan ..."
Ang Unitaryong (may iisang Diyos) denominasyon
ng Kristiyanismo ay pinanatiling buhay ang mga turo ni Arius na
nagsasabi na ang Diyos ay iisa; hindi sila naniniwala sa Trinidad. Dahil
dito, ang pangunahing mga Kristiyano ay kinamumuhian sila, at ang
Pambansang Konseho ng mga Simbahan ay tumanggi sa pagtanggap sa kanila.
Sa Unitaryanismo, ang pag-asa ay pinanatiling buhay na ang mga
Kristiyano balang araw ay magbabalik sa mga pangangaral ni Hesus:
"... Sa Panginoon mong Diyos sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran." (Lucas 4:8)
Ang Islam at ang Usapin ng Trinidad
Habang ang Kristiyanismo ay maaaring may suliranin sa pagtukoy sa diwa ng Diyos, hindi ganito ang usapin sa Islam:
"Sila ang lapastangan na nagsasabi: Ang Diyos ay isa sa Trinidad, sapagkat walang diyos kundi ang Nag-iisang Diyos" (Quran 5:73)
Karapat-dapat pansining sa Arabikong wikang Bibliya ay ginagamit ang pangalang "Allah" bilang pangalan ng Diyos.
Si Suzanne Haneef, sa kanyang aklat na What Everyone Should Know About Islam and Muslims (Aklatan ng Islam, 1985), ay tinukoy ang usapin ng tila tuwiran nang kanyang sinabi:
“Ngunit
ang Diyos ay hindi tulad ng isang kakanin (pie) o mansanas na maaaring
hatiin sa tatlong katlo na mag-aanyong isang buo; kung ang Diyos ay
tatlong persona o nagtataglay ng tatlong bahagi, Siya ay tiyak na hindi
ang Iisa, Natatangi, Di-nakikitang Umiiral na Siya ngang Diyos at kung
saan sinasabing pinaniniwalaan ng Kristiyanismo."[1]
Kung titingnan ito mula sa ibang anggulo, ang
Trinidad ay tinutukoy ang Diyos bilang tatlong magkahiwalay na mga
entidad - ang Ama, ang Anak at Banal na Espiritu. Kung ang Diyos ay ang
Ama at ang Anak din, Siya sa gayon ang magiging Ama ng Kanyang Sarili
sapagkat Siya ay ang Kanyang sariling Anak. Ito ay hindi ganap na
lohikal.
Ang Kristiyanismo ay nag-aangking isang
monoteistikong relihiyon. Ang monoteismo, gayunpaman, ay mayroong
pangunahing paniniwala na ang Diyos ay Nag-iisa; ang Kristiyanong
doktrina ng Trinidad - Ang Diyos na Tatlo-sa-Isa - ay nakikita ng Islam
bilang isang anyo ng politeismo. Ang mga Kristiyano ay hindi sumasamba
sa Nag-iisang Diyos lamang, sila ay sumasamba sa tatlo.
Ito ay isang paratang na hindi madaling
tinatanggap ng mga Kristiyano, gayunpaman. Sila naman, ay nagpaparatang
sa mga Muslim na hindi muna inaalam kung ano ang Trinidad, ipinupukol na
ang Quran ay itinakda bilang si Allah ang Ama, si Hesus ang Anak, at
Maria na kanyang ina. Habang ang pagsamba kay Maria ay isang katha ng
Simbahang Katoliko mula pa noong 431 nang siya ay binigyan ng titulong
"Ina ng Diyos" ng Konseho ng Efeso, isang mas masinsinang pagsusuri sa
mga talata sa Quran na madalas na binabanggit ng mga Kristiyano bilang
pagpapatibay sa kanilang paratang, ay nagpapakita na ang pagtatalaga kay
Maria ng Quran bilang isang "miyembro" ng Trinidad, ay hindi talaga
totoo.
Habang ang Quran ay kinondena ang kapwa Trinitaryanismo (ang Quran 4: 171; 5:73)[2] at ang pagsamba kay Hesus at sa kanyang ina na si Maria (ang Quran 5: 116)[3],
saanman tiyak na wala ditong matutukoy na tatlong bahagi ng
Kristiyanong Trinidad. Ang katayuan ng Quran ay kahit na SINO o ANO ang
bumubuo ng doktrinang ito ay hindi na mahalaga; ang mahalaga ay ang
tunay na paniniwala sa isang Trinidad ay isang pagsalungat laban sa
konsepto ng Nag-iisang Diyos.
Sa konklusyon, nakita natin na ang doktrina ng
Trinidad ay isang konseptong dala lahat ng tao; walang parusang kahit
ano mula sa Diyos na matatagpuan tungkol sa ganitong usapin dahil ang
buong ideya ng Trinidad ng banal na mga umiiral ay walang lugar sa
monoteismo. Sa Quran, ang Huling Kapahayagan ng Diyos sa sangkatauhan,
natagpuan natin ang Kanyang paninindigan na malinaw na nakasaad sa
maraming mahuhusay na mga talata:
"... ang inyong Diyos ay Nag-iisang Diyos: sinumang umaasa sa pakikipagharap sa kanyang Panginoon, hayaan siyang gumawa ng mga gawaing matwid, at, sa pagsamba sa kanyang Panginoon, huwag tumanggap ng isa man bilang katambal." (Quran 18:110)
"... huwag mag-akibat sa Diyos, ng ibang bagay sa pagsamba, upang kayo ay hindi ihagis sa Impiyerno, sinumbatan at tinanggihan." (Quran 17:39)
– sapagkat, tulad ng paulit-ulit na sinasabi sa
atin ng Diyos sa isang Mensahe na paulit-ulit sa LAHAT ng Kanyang
Inihayag na mga Banal na Kasulatan:
"... Ako ang inyong Panginoon at Nagmamahal, samakatuwid pagsilbihan niyo Ako (at walang iba) ..." (Quran 21:92)
Mga talababa:
- What Everyone Should Know About Islam and Muslims (Aklatan ng Islam, 1985) (pp. 183-184)
- "O mga Angkan ng Kasulatan, huwag kayong gumawa ng kalabisan sa inyong relihiyon o magsabi ng anumang tungkol sa Diyos maliban sa katotohanan. Ang Mesiyas, si Hesus, na anak ni Maria, ay isang Sugo ng Diyos at Kanyang salita na Kanyang iginawad kay Maria at isang kaluluwa [na nilikha sa pag-uutos] mula sa Kanya. Kaya maniwala kayo sa Diyos at sa Kanyang mga Sugo. Huwag kayong magsabing: 'Tatlo'; magsitigil kayo—ito ay higit na makabubuti para sa inyo. Katotohanan ang Diyos ay tanging isang Diyos, Luwalhati sa Kanya na Kataas-taasan sa pagkakaroon ng anak. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng anumang nasa mga kalangitan at anumang nasa kalupaan. At ang Diyos sapat na bilang Tagapangasiwa para sa lahat ng mga pangyayari." (Quran 4:171)
- "At [alalahanin ang Araw na] kapag ang Diyos ay magsasabi, O, Hesus, anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao, ‘Ituring ninyo ako at ang aking ina bilang mga diyos bukod sa Diyos?’ Siya ay magsasabi: “Luwalhati sa Iyo! Hindi marapat para sa akin ang magsabi ng anumang wala akong karapatan. Kung ito man ay aking nasabi, Iyo itong mababatid. Batid Mo ang anumang nasa aking kalooban, samantalang hindi ko nababatid ang anumang nasa Iyong Kalooban. Katotohanan, Ikaw ang Maalam sa mga di-nakikita." (Quran 5:116)