Ang Pagwawakas sa Pagkapropeta


Luminaw sa iyo ayon sa naunang pagtatalakay ang reyalidad ng pagkapropeta, ang mga tanda nito, ang mga himala nito at ang mga patunay ng pagkapropeta ng Propeta natin na si Muhammad (SAS). Bago pag-uusapan ang tungkol sa pagwawakas sa pagkapropeta ay kailangang malaman mo na si Allah ay hindi nagsusugo ng isang sugo maliban kung dahil sa isa sa mga sumusunod na kadahilanan:

  1. Na ang mensahe ng propeta ay nauukol sa isang pangkat ng mga tao at hindi inutusan ang sugo na ito na iparating ang mensahe niya sa mga katabing kalipunan, kaya magsusugo si Allah ng iba pang sugo na may dalang mensahe na nauukol sa isa pang kalipunan;

  2. Na ang mensahe ng naunang propeta ay napawi na, kaya magpapadala si Allah ng isang propeta na magpapanumbalik para sa mga tao ng relihiyon nila;

  3. Na ang batas ng naunang propeta ay naaangkop sa panahon niya ngunit hindi nababagay sa mga sumusunod na panahon, kaya magpapadala si Allah ng isang sugo na magdadala ng isang mensahe at isang batas na nababagay sa pook at panahong nito. Hiniling nga ng karunungan Niya na ipadala Niya si Muhammad (SAS) na may dalang isang pangkalahatang mensahe para sa mga naninirahan sa lupa, na nababagay sa bawat panahon at pook. Pinangalagaan Niya ang mensaheng ito laban sa mga kamay ng pagbabago at pagpapalit upang manatili ang mensahe Niya na buhay na nabubuhay sa pamamagitan nito ang mga tao, malinis sa mga dungis ng pamamaluktot at pagpapalit. Alang-alang doon ay ginawa ito ni Allah na pangwakas sa mga mensahe.

Tunay na kabilang sa ipinantangi ni Allah kay Muhammad (SAS) ay na siya ang pangwakas sa mga propeta kaya wala nang propeta pagkatapos niya. Ito ay dahil sa si Allah ay naglubos sa mga mensahe sa pamamagitan niya, nagwakas sa mga batas sa pamamagitan niya at bumuo sa gusali [ng Islam].

Nagkatotoo sa pagkapropeta niya ang magandang balita ni Kristo tungkol sa kanya kung saan nagsabi ito: “Kailan man baga’y hindi ninyo nabasa sa mga kasulatan, Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali, Ang siya ring ginawang pangulo sa panulok;”(1)

Itinuring ng pari na si Ibráhím Khalíl — na yumakap sa Islam bandang huli — ang teksto na ito na sumasang-ayon sa sabi ni Propeta Muhammad (SAS) tungkol sa sarili niya: Ang paghahalintulad sa akin at ang paghahalintulad sa mga propeta noong wala pa ako ay katulad ng isang lalaki na nagtayo ng isang bahay. Hinusayan niya ito at pinaganda niya ito maliban sa isang kinalalagyan ng isang laryo sa panulok. Kaya nagsimula ang mga tao na lumilibot dito at humahanga dito ngunit nagsasabi sila: Inilagay na sana kasi ang laryo na ito. Nagsabi siya: At ako ang laryo at ako ay ang pangwakas sa mga propeta.(2)

Alang-alang doon ay ginawa ni Allah ang Aklat na inihatid ni Muhammad bilang isang pamantayan sa mga naunang kasulatan at nagpapawalang-saysay sa mga ito. Ginawa Niya ang batas nito na nagpapawalang-saysay sa lahat ng naunang batas. Ginarantiyahan ni Allah ang pangangalaga sa mensahe ng Propeta (SAS).

Naiparating ang mensaheng ito nang pagpaparating na tuluy-tuloy yamang naiparating ang Marangal na Qur’an sa isang pagpaparating na tuluy-tuloy sa tinig at sa panulat. Naiparating din ang Sunnah (3)sa salita at gawa niya sa isang pagpaparating na tuluy-tuloy. Naiparating din ang praktikal na pagpapatupad sa mga batas ng Islam, mga pagsamba rito, mga kalakaran nito at mga kahatulan nito sa isang pagpaparating na tuluy-tuloy.

Ang sinumang nagsuri sa mga kalipunan ng mga aklat sa talambuhay ng Propeta at Sunnah ay malalaman niya na ang mga Kasamahan (RA) (4)niya ay nag-ingat para sa Sangkatauhan ng lahat ng [ulat ng] pangyayari kaugnay sa kanya, lahat ng sinabi niya at lahat ng ginawa niya. Ipinarating nila ang [paraan ng] pagsamba niya sa Panginoon niya, ang pakikibaka niya, ang pag-alaala niya sa Panginoon, ang paghingi niya ng tawad, ang pagkamapagbigay niya, ang katapangan niya, at ang pakikitungo niya sa mga Kasamahan niya at sa mga dumadalaw sa kanya.

Ipinarating din nila ang saya niya; ang lungkot niya; ang paglalakbay niya; ang pananatili niya; ang katangian ng pagkain niya, inumin niya at kasuutan niya; ang pagkagising niya at ang pagkatulog niya. Kaya kapag nadama mo iyon ay matitiyak mo na ang Relihiyong ito ng Islam ay napangalagaan sa pamamagitan ng pangangalaga ni Allah.

Malalaman mo sa sandaling ito na siya ang pangwakas sa mga propeta at mga isinugo dahil si Allah ay nagpabatid sa atin na ang Sugong ito ay ang pangwakas sa mga propeta. Nagsabi Siya:

Si Muhammad ay hindi ama ng isa sa mga kalalakihan ninyo bagkus ang Sugo ni Allah at ang pangwakas sa mga Propeta

Qur’an 33:40.

. Nagsabi naman ang Sugo tungkol sa sarili niya: Isinugo ako sa lahat ng nilikha at winakasan sa pamamagitan ko ang [pagpapadala ng] mga propeta.(4)

Ito na ang sandali ng pagpapakahulugan sa Islam at ang paglilinaw sa katotohanan nito, mga pinagmulan nito, mga sandigan nito at mga antas nito.

Lenguahe