Nilalaman

content

Content of article

4. Ang Mensahe ni Hesus

Ang mga Propeta sa Lumang Tipan tulad nina Abraham, Noah at Jonas ay hindi kailanman nangaral na ang Diyos ay bahagi ng Trinidad, at hindi naniwala na si Hesus ay kanilang tagapagligtas. Ang kanilang mensahe ay simple: may nag-iisang Diyos at Siya lamang ang karapat-dapat sa iyong pagsamba. Hindi makatuwiran na nagpadala ang Diyos ng mga Propeta sa libu-libong taon na may parehong mahalagang mensahe, at pagkatapos ng lahat ay biglaang sasabihin Niya na Siya pala ay isa sa Trinidad at dapat kang manalig kay Hesus upang maligtas.

Ang katotohanan ay ipinangaral ni Hesus ang parehong mensahe na ipinangaral ng mga Propeta sa Lumang Tipan. Mayroong talata sa Bibliya na talagang nagbigay-diin sa kanyang pangunahing mensahe. Isang tao ang lumapit kay Hesus at nagtanong "Ano ang pangunahing utos sa lahat?" Sumagot si Hesus, "Ang pangunahing utos ay ito: ‘Makinig ka, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos ay iisang Panginoon. '' [Marcos 12:28 -29]. Kaya ang pinakadakilang utos, ang pinakamahalagang paniniwala ayon kay Hesus ay 'ang Diyos ay iisa'. Kung si Hesus ay Diyos ay sasabihin niya sana na 'Ako ang Diyos, sambahin mo ako', ngunit hindi niya sinabi. Inulit lamang niya ang talata mula sa Lumang Tipan na nagpapatunay na ang Diyos ay Iisa.

Ang ilan sa mga tao ay nagsasabing si Hesus daw ay namatay para sa mga kasalanan ng mundo. Ngunit isaalang-alang ang sumusunod na pahayag ni Hesus: At ito ang kahulugan ng buhay na walang hanggan: ang makilala Ka ng mga tao na Ikaw lang ang tunay na Diyos, at makilala rin nila ako na isinugo Mo. Pinarangalan Kita rito sa lupa sa pamamagitan ng pagtupad ko sa mga ipinagawa Mo sa akin. [Juan 17: 3-4]. Sinabi ito ni Hesus bago pa siya mahuli at dalhin upang ipako sa krus. Malinaw sa talatang ito na si Hesus ay hindi namatay para sa mga kasalanan ng sanlibutan, Dahil natapos niya na ang gawain na iniatas sa kanya ng Diyos bago ang pagkuha sa kanya upang ipako sa krus.

Sinabi rin ni Hesus na "ang kaligtasan ay mula sa mga Hudyo" [Juan 4:22]. Kaya ayon dito hindi natin kailangang maniwala sa Trinidad o na si Hesus ay namatay para sa ating mga kasalanan upang makamit ang kaligtasan dahil ang mga paniniwalang ito ay wala sa mga Hudyo.

5. Ang mga Sinaunang Kristiyano

Sa kasaysayan, marami ang mga sekta sa unang bahagi ng Kristiyanismo na may iba't ibang mga paniniwala patungkol kay Hesus[1]. Ang ilan ay naniniwala na si Hesus ay Diyos, ang iba naman ay naniniwala na si Hesus ay hindi Diyos ngunit may bahagyang pagka-banal, at ang iba pa ay naniniwala na siya ay isang tao at hindi na hihigit pa. Ang Trinidad na Kristiyanismo na may paniniwalang ang Diyos, si Hesus at ang Espiritu ay isa sa tatlong persona ay kalaunan siya'ng naging dominante na sekta ng Kristiyanismo, noong pormal itong idineklara bilang relihiyon ng estado ng Imperyo ng Roma noong ika-4 na Siglo. Ang mga Kristiyano na tumangging si Hesus ay Diyos ay inusig ng mga awtoridad ng RomaAdoptionism at Arianism.

Si Dr Jerald Dirks na isang dalubhasa patungkol sa unang bahagi ng Kristiyanismo ay nagsabi hinggil sa paksang ito: Sa unang bahagi ng Kristiyanismo ay lubos ang kaguluhan sa usapin ng likas na katangian ni Hesus. Ang nasa iba't ibang mga katayuan ng mga Adoptionist sa unang bahagi ng Kristiyanismo ay marami at kung minsan ay nangingibabaw. Maaari pa ring isipin ng isang tao na ang Arian at Nestorian ang maaring pinakamalaking pinagmulan ng Kristiyanismo ngayon, kung hindi dahil sa katotohanan na ang dalawang sangay na ito ng Kristiyanismo, na lumaganap sa gitnang silangan at sa Hilagang Africa ay may katuruang katulad sa Islam hinggil sa likas na katangian ni Hesus kaya natural silang pumailalim sa Islam sa pagsimula ng ikapitong siglo."O kayong mga tao sa Kasulatan! Huwag kayong magmalabis sa inyong relihiyon. Huwag kayong magsabi ng tungkol sa Allah maliban sa katotohanan. Ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ay hindi hihigit pa kaysa pagiging Sugo ng Allah, at siya ay nilikha Niya sa pamamagitan ng Salita na Kanyang iginawad kay Maria, at kaluluwa na Kanyang nilikha. Kaya’t maniwala sa Allah at sa Kanyang mga Sugo. Huwag ninyo sabihing 'Tatlo'!” Magsitigil kayo – iyan ang mainam sa inyo. Sapagkat ang Allah ay Nag-iisang Diyos, ang Kaluwalhatian ay sa Kanya, Siya ay lubos na Dakila, hindi Niya kinakailangan ang anak. Kanya ang lahat ng nasa mga kalangitan at kalupaan. At ang Allah ay Sapat na upang maging Tagapamahala ng lahat at Lubos na Mapananaligan. [Ito ay salin ng kahulugan ng Qur'an: 4: 171]

Ang Islam ay hindi naiibang relihiyon. Ito ay ang parehong mensahe na ipinangaral nina Moises, Hesus at Abraham. Ang Islam ay literal na nangangahulugang 'pagsubmita sa Diyos' at nagtuturo sa atin na magkaroon ng direktang kaugnayan sa Diyos. Ipinapaalala nito sa atin na dahil nilikha tayo ng Diyos, walang dapat sambahin maliban sa Diyos lamang. Itinuturo din nito na ang Diyos ay walang katulad, hindi katulad ng isang tao o tulad ng anumang maiisip natin. Ang pagkilala sa Diyos ay naipahayag sa maikling pangungusap sa Quran, na ang salin ng kahulugan ay:

"Ipagbadya, Siya si Allâh ang Nag-iisa, Ang Allâh ang ‘As-Samad’ ( – ang Ganap na Kinakailangan ng lahat, at Siya'y walang kinakailangan). Kailanma'y hindi Siya nagsilang o nagkaroon ng anak, at kailanma'y hindi Siya isinilang o ipinanganak. At walang kung anuman na sa Kanya ay maihahalintulad. (Salin ng Kahulugan ng Quran. 112: 1-4).[4]

Ang maging isang Muslim ay hindi pagtalikod kay Hesus. Sa halip, ito ay pagbalik sa mga orihinal na mga katuruan ni Hesus at pagsunod sa kanya. 

MGA TALABABA:

  1. John Evans, History of All Christian Sects and Denominations, ISBN: 0559228791
  2. C.N. Kolitsas, The Life and Times of Constantine the Great, ISBN: 1419660411
  3. Sinipi mula sa 'Islamic Trajectories in Early Christian' ni Dr Jerald Dirks
  4. Ang Diyos ay hindi lalaki o babae, ang salitang ‘Him o Siya' kapag ginagamit na pantukoy sa Diyos ay hindi nagpapahiwatig ng kasarian.


Kumento