Ang pagsaksi ng ebanghelistang Ingles na kapanahon natin na si John Sant(1) kung saan ay nagsasabi siya:
“Matapos ang tuluy-tuloy na pagsusuri sa mga detalyadong aspeto ng Islam, mga simulain nito sa paglilingkod sa individuwal at kalahatan, at katarungan nito sa pagpapanatili sa lipunan ayon sa mga saligan ng pagkakapantay-pantay at Tawhíd ay natagpuan ko ang sarili ko na nagdali-dali patungo sa Islam nang buong isip ko at kaluluwa ko. Nakipagkasundo ako kay Allah, napakamaluwalhati Niya, magmula ng araw na iyon na ako ay magiging isang tagapag-anyaya para sa Islam, isang tagapagbalita ng nakatutuwang patnubay nito sa lahat ng dako.”
Humantong nga siya sa katiyakang ito matapos ang pag-aaral niya ng Kristiyanismo at pagpapakalalim niya roon. Nasumpungan niya na ang Kristiyanismo ay hindi tumutugon sa marami sa mga tanong na umiikot sa buhay ng mga tao kaya naman nagsimulang abalahin siya ng pagdududa. Pagkatapos ay pinag-aralan niya ang Komunismo at ang Budhismo ngunit hindi niya natagpuan sa dalawang ito ang hinahanap niya. Pagkatapos ay nag-aral siya ng Islam at nagpakalalim dito. Sumampalataya siya rito at nag-anyaya tungo rito.(2)
- Hindi matiyak kung ganito ang baybay ng apelyido ng taong ito dahil ang pagkakabaybay nito sa orihinal na Arabe na pinagsalinan ng aklat na ito ay hindi nagpapakita ng patinig. Ang Tagapagsalin.
- Ad-Dín al-Fitrí al-Abadí (Ang Likas na Magpakailanmang Relihiyon), akda ni Mubashshir at-Tarází al-Husayní, tomo 2, pahina 319.