Ito ay ang paniniwala na ang Allah ay mayroong napakaraming mga Anghel, walang nakakaalam sa kanilang bilang maliban sa Allah, sila ay nilikha ng Allah upang sumamba sa Kanya lamang.
Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
{Hindi kailanman ipagkakaila ni Mesias Isa [o Hesus] ang pagiging alipin ng Allah sa kanya at hindi rin [ipagkakaila] ng malalapit na mga Anghel}.
Ang mga Anghel na ito ay hindi mga kawangis ng Allah at hindi rin Niya mga anak. Bagkus nilikha sila ng Allah upang ipatupad ang kanilang mga tungkulin na ipinag-utos sa kanila.
Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
{At sila ay nagsabi: “Ang Mahabaging [Allah] ay nagtalaga ng anak [na mga anghel].” Kaluwalhatian sa Kanya, bagkus sila [ang mga Anghel] ay marangal na mga alipin. Siya [ang Allah] ay hindi nila pinangungunahan sa salita, bagkus sila ay gumagawa [lamang] ayon sa Kanyang pag-uutos}.