Ang Aking Paglalakbay sa Islam
Tumagal ng tatlong buong taon ng
aking paghahanap at pag-aaral ng Quran bago ako naging handang ipahayag
na nais kong maging isang Muslim. Siyempre ako ay natakot sa mga
pagbabago sa pananamit at mga gawi, tulad ng pakikipag-deyt at pag-inom
kung saan ako nasanay. Ang musika at pagsasayaw ay isang malaking bahagi
ng aking buhay, at ang mga tupis at babong (mini skirts) ay ang aking
naging daan sa katanyagan. Samantala, hindi ako nagkaroon ng
pagkakataong makatagpo ng sinumang mga Muslim, dahil wala sa aking lugar
maliban sa ilang mga dayuhang hindi halos nakakapagsalita ng Ingles na
ilang oras na pagmamaneho ang layo sa tanging moske sa estado sa
panahong yaon. Kapag ako ay nagpupunta sa pagdarasal ng Biyernes upang
subukan at suriin kung ano ang aking isasaalang-alang, nakakatanggap ako
ng mga nakaw na sulyap dahil ako marahil ay pinaghihinalaang isang
espiya tulad ng naging usapin, at nananatili pa rin, sa karamihan ng mga
Islamikong pagtitipon. Wala ni isa mang Muslim na Amerikano ang
naroroon upang tulungan ako at, tulad ng aking sinabi, ang lahat ng mga
populasyon ng mga dayuhan sa halip ay nanlalamig para magsalita nang
kahit kaunti.
Sa Kalagitnaan ng yugtong ito ng
aking buhay, ang aking ama ay pumanaw sa kanser. Ako ay nasa tabi ng
kanyang kama at literal na nasaksihan ang anghel ng kamatayang ng
tanggalin ang kanyang kaluluwa. Siya ay kinapitan ng takot habang ang
mga luha ay gumugulong sa kanyang mga pisngi. Isang maluhong buhay,
yate, samahang pampamayanan, mamahaling sasakyan ... para sa kanya at sa
aking ina, lahat ay bunga ng kita sa pagpapatubo, at ngayon itong lahat
ay nagwakas na.
Ako ay nakaramdam ng isang biglaang
paghahangad na pasukin ang Islam nang agaran, habang may oras pa, at
baguhin ang aking mga pamamaraan at hindi na magpatuloy sa bulag na
hangarin kung saan ako pinalaking maniwala kung ano ang mabuting buhay.
Hindi nagtagal pagkatapos ay nagpunta ako sa Ehipto, at sumama sa isang
mahabang mabagal na paglalakbay sa pamamagitan ng himala ng wikang Arabe
at ang pagkatuklas sa malinaw na katotohanang - ang Diyos ay Nag-iisa,
ang Walang-katapusang Walang Hanggan; Na Siyang hindi kailanman
ipinanganak o nagka-anak at wala sa lahat ang anumang katulad Niya.
Ang bunga ng pagkakapantay-pantay sa
pagitan ng mga tao ang nakaakit sa akin ng lubos sa relihiyong yaon.
Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay
sumakanya, ay nagsabing ang mga tao ay katulad ng mga ngipin ng isang
suklay - lahat ay pantay, ang pinakamainam ay ang naging pinakamatuwid.
Sa Quran, tayo ay sinabihan na ang pinakamainam ay ang siyang
pinakamatuwid. Ang pagiging matuwid ay kinabibilangan ng pagmamahal at
pagkatakot sa Diyos lamang. Ngunit bago ka maaari talagang maging
matuwid, dapat mong makilala kung sino ang Diyos. At ang makilala Siya
ay ang mahalin Siya. Sinimulan kong mag-aral ng Arabe upang mabasa ang
salita ni Allah sa Arabe kung papaano ito ipinahayag.
Ang
pag-aaral sa Quran ang nagpabago sa bawat bahagi ng aking buhay. Hindi
na ako naghahangad na magkaroon ng anumang makamundong karangyaan;
alinman sa mga sasakyan o damit o mga paglalakbay na maaaring makaakit
sa akin sa sapot ng walang kabuluhang pagnanasa na kung saan ako
nahumaling noon. Ako ay nasisiyahan sa isang katamtamang kagandahan ng
buhay ng isang mananampalataya; ngunit tulad ng sinasabi nila... ito ay
hindi na nakabaon sa puso... nasa kamay na lamang. Ako ay hindi
nababahala sa pagkawala ng aking mga dating kaibigan o kamag-anak - kung
ang Diyos ay loloobin na sila ay mapalapit, magkagayon ay mangyayari
ito, ngunit alam kong ang Diyos ay bibigyan ako ng tiyak na aking
kailangan, walang labis - walang kulang. Hindi na ako nakakaramdam ng
pagkabalisa o pagkalungkot, ni hindi rin ako nakakaramdam ng
panghihinayang sa anumang nagdaan sa akin, dahil ako ay ligtas sa
pangangalaga ng Diyos - ANG NAG_IISA AT NATATANGI na Siya kong palaging
nakikilala ngunit hindi nalalaman ang Kanyang pangalan.
Isang Panalangin para sa Amerika
Aking ipinagdarasal sa
Diyos na Makapangyarihan sa lahat na mabigyan ng pagkakataong
makatanggap ng mensahe ng kaisahan ng Diyos sa isang payak, tahasang
pamamaraan ang bawat Amerikano... Ang mga Amerikano ay, sa malaking
bahagi, ay higit na hindi nasabihan patungkol sa wastong Islamikong
teolohiya. Ang diin ay halos palaging sa politika, na nakatuon sa mga
gawa ng tao. Napapanahon nang pagtuunan ng pansin ang mga gawa ng mga
propeta na lahat ay dumating upang akayin tayo palabas mula sa kadiliman
at patungo sa liwanag. Walang alinlangan na ang kadiliman ay nananatili
sa karamdamang nakakaapekto sa Amerika ngayon. Ang liwanag ng
katotohanan ay magsisilbi sa ating lahat, at piliin man o hindi ng
sinuman na sundin ang Islamikong landas, walang duda na ang pagharang
dito o ang paghadlang ng iba mula sa pagsunod dito ay tiyak na hahantong
sa karagdagang pagdurusa. Ako ay labis na nagmamalasakit para sa
mahusay na kinabukasan ng aking bansa, at ako ay nakatitiyak na ang
pag-aaral ng higit pa tungkol sa Islam ay mapapalaki ang mga
pagkakataong ang aking pag-asa ay matupad.